Aminado ang Kapuso actress na si Andrea Torres na nakaranas siya ng sobrang kalungkutan noong maghiwalay sila ni Derek Ramsay.

November taong 2020 nang kumpirmahin ni Andrea ang hiwalayan nila ng dating nobyo na si Derek. Ito ay matapos ang halos dalawang taon din nilang relasyon.

Samantala, sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks si Andrea ang naging kanyang panauhin. Kung saan pinag-usapan nila ang mga natutunan ng aktres sa kanyang past relationships.

Isa nga sa kanilang naging paksa ay ang relasyon noon ni Andrea kay Derek. Ayon kay Andrea tila nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay noong naghiwalay sila ng dating nobyo.

Taliwas daw ito sa natural na pagiging masayahin at aktibo niya noong sila pa.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-tri66er sa ‘yo. Na ang layo-layo sa Andrea, sa usually Andrea na masayahin, positive.

“Aller6ic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nu’ng time na yun, bagsak talaga,” pahayag ni Andrea.

Dagdag pa ni Andrea, hindi siya vocal na tao sa kanyang mga nararamdaman kung kaya’t sa tingin niya ay iyon ang nagpahirap sa kanya.

Ngunit sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng Bibliya ay unti-unti raw siyang nakawala sa depr3sy0n at kalungkutan.

Tikom man ang kanyang bibig sa tunay na rason kung bakit sila naghiwalay ni Derek, naniniwala si Andrea na ang da6ok na iyon sa kanyang buhay ang nagpatibay sa pananampalataya niya sa Diyos.
The post Andrea Torres labis na nalungkot noong naghiwalay sila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay appeared first on Pilipinas Trending.