Tuesday, August 23, 2022

52 years old na Grab driver sa gabi, Grade 12 student naman sa umaga!

0

Hinangaan ng marami ang isang 52 anyos na lalaki dahil sa pagsisikap nitong makatapos ng kanyang pag-aaral.

Hindi naging hadlang para kay Benjie Estillore ang kanyang edad para ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral. Sa gabi, Grab rider si Benjie at sa umaga naman ay isa siyang grade 12 student.

Agad ngang nag-viral ang mga larawan ni Benjie sa unang araw ng pasukan noong August 22. Nakasuot siya ng uniporme at siya pa ang may hawak ng karatula na nakasulat ang grade and section nila.

Ayon sa ilang ulat, pangarap talaga ni Benjie na makapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman siya ay nagpursige na muling makapasok sa paaralan sa kabila ng kanyang edad.

Nagsikap din siyang magtrabaho para ipangtustos sa mga kakailanganin niya sa eskwela. At tuwing gabi nga ay isa siyang Grab driver.

Maraming netizens naman ang humanga sa kanyang kwento.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“When it comes to schooling there is no age limit as long as u r eager to learn Go go go till u reach your goal”

“Wow I salute u sir na gina grab ang opportunity na mkapag aral kahit my edad na pero d basehan ang edad sa kagustuhan mong mkapag tapos ng pag aaral ..advance congratulation sir”

“There is no age limit in learning…keep it up”

“Saludo ako sa ganitong pag iisip ng tao! hindi alintana ang hirap ng buhay, kaya pang pag sabayin ang pag aaral kahit may edad na.”

The post 52 years old na Grab driver sa gabi, Grade 12 student naman sa umaga! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment