Thursday, August 25, 2022

Billy Crawford nais makasama sa isang proyekto si Alden Richards!

0

Isa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang gustong makatrabaho ng actor TV host na si Billy Crawford.

Sa pagbabalik Kapuso ni Billy, siya na ang magiging main host ng game show na The Wall Philippines. Na magsisimulang umere sa GMA Network sa Linggo, August 28.

Sa exclusive interview kay Billy, natanong siya kung sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang makasama sa trabaho. Ngayong posible ng gumawa siya ng iba’t-ibang proyekto sa network.

Saad ni Billy, “Si Alden, ang pogi niya, e! Ha-hahaha! ‘Di ba?”

“Maraming beses ko nang na-meet si Alden. Pero si Alden kasi personally sa tingin ko siya ang isa sa mga pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa industriya.”

“Grabe ang kabaitan at kagaling ng taong ‘yun kaya hanga ako sa kanya, saludo ako kay Alden at kaya gusto ko siyang maging co-host if ever sa isang show,” dagdag pa ni Billy.

Nagsimula ang career ni Billy sa GMA-7 noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Naging bahagi siya ng dating youth-oriented show na That’s Entertainment sa GMA.

Huling napanood si Billy sa GMA sa programang “Move! The Search for Billy Crawford’s Pinoy Dancers” noong 2007.

The post Billy Crawford nais makasama sa isang proyekto si Alden Richards! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment