Hindi napigilan ni Sue Ramirez ang maging emosyonal nang ikwento niya kung paano namaalam ang kanyang ama.

Naging guest ang ‘The Broken Marriage Vow’ actress sa vlog ng breoadcaster na si Karen Davila kamakailan.

At isa nga sa kanilang napagusapan ay ang tungkol sa yuma0ng ama ng aktres. Nangyari ito noong 17 years old pa lamang siya.

Kwento ni Sue 11 years dumanas ng str0ke ang kanyang ama. At dumating na sa punto na tinanong sila ng doktor sa desisyon na gagawin ng kanilang pamilya.

Ito ay noong panahon na nakalife support na lamang ang kanilang padre de pamilya.

“My mom signed the waiver that night [to pull the plug]. When she went home, she informed us, the whole family. So we went to my dad, got to talk to him for the last time. He was unresponsive but we were still hoping that he could us,” pagbabahagi ni Sue.

Ayon pa sa dalaga hanggang sa huli ay hindi na daw sila pinahirapan pang magdesisyon ng kanilang ama.

“Naiyak si Mommy sabi niya, ‘tingnan niyo si Dada niyo, hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya hindi na niya ako pinahirapan. Hindi na niya hinayaan ang mommy ko to pull the plug Miss Karen… Doon ko na-realize na noong gabi kinakausap ko siya naririnig pa pala niya ako,” lumuluhang saad ni Sue.

Aminado naman si Sue na kulang pa umano ang oras na nakasama niya ang ama na isang napakabuting tao.

Nagkataon lamang na sa mahabang panahon ng kanyang paglaki ay nagkaroon na ito ng karamdaman kaya naman limitado na lang ang bonding moments nila lalo na at hirap at hindi na halos umano ito makasalita.
The post Sue Ramirez emosyonal na inalala ang panahon na namaalam ang kanyang ama appeared first on Pilipinas Trending.