Monday, March 14, 2022

Sharon Cuneta supalpal kay Gladys Guevarra, ‘Nakita na tunay mong ugali!’

0

Hindi natuwa si Gladys Guevarra sa naging paninita ni Sharon Cuneta sa isang senatorial candidate na gumamit ng kanyang awitin.

Kamkailan nga lang ay nagviiral ang pahayag ng Megastar. Hindi niya kasi nagustuhan ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa awitin niyang ‘Sana’y Wala ng Wakas.’

Sinira umano ng aspirant Senator ang kanyang kanta, ngunit nang mag-viral ang sinabi niyang ito ay binawi niya rin kalaunan.

Inalmahan naman ng komedyanteng si Gladys ang naging pahayag ni Sharon. Pumanig si Gladys kay Panelo, dahil naiintindihan niya ang dahilan ng senatorial candidate. Nagpaliwanag na si Panelo na ang naturang kanta ay nagpapaalala sa kanya sa yuma0 niyang anak na si Carlo, na may Down Syndr0me.

“Bilang may pinsan at pamangkin akong may Down Syndr0me, may pamangkin din ako at may anak akong may Aut1sm . . . Sinasaluduhan at nire-respeto ko si Senator Panelo hindi sa kahit ano pa mang p0Iitical reasons, Pero sa pagiging Amazing Father nya,” saad ni Gladys sa kanyang Facebook post.

Dismayado rin si Gladys kay Sharon, na dati umano niyang idolo sa pagkanta.

“Nakakapanghinayang lang, at tama naman din yung isang nabasa ko. Sayang yung ilang dekadang binuo mo at pinaka ingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakadiring post at negative reaction mo sa ginawang pag awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat ipinaalam sayo,” ani Gladys.

“I used to have so much respect sayo Mega, bilang mang aawit din ako. Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali,” dagdag pa nito.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Megastar tungkol sa mga negatibong komentong natatanggap niya sa isyung ito.

The post Sharon Cuneta supalpal kay Gladys Guevarra, ‘Nakita na tunay mong ugali!’ appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment