Tuesday, March 15, 2022

Ai Ai delas Alas binweltahan ang netizen na hinamak ang kursong natapos ng kanyang anak

0

Sinopla ni Ai Ai delas Alas ang isang netizen na nangmaliit sa kursong tinapos ng kanyang anak na dalaga.

Proud nanay moment ang ibinahagi ng TV host at comedienne na si Ai-Ai Delas Alas.

Sa isang mahabang instagram post, ipinagmalaki ng komedyante ang isa sa mga achievement niya ngayon bilang isang ina. Ang pagtatapos sa kolehiyo ng anak na si Sophia Andrea Delas Alas.

Ayon kay Ai Ai, maikukumpara niya ang kasiyahang nararamdaman ngayon. Tulad ng pagtanggap niya ng mga iginagawad na parangal sa trabaho at bokasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Ni-repost naman ng Facebook page na Teacher Be Like ang larawan ng anak ni Ai Ai. At doon ay may isang netizen ang minaliit ang natapos nitong kurso.

Saad ng nasabing netizen na kinilalang si Alvin Supangan, “Kala mo naman kung ipangalandakan ni Aiai doctor o lawyer ang anak nya eh 6 months course lang naman dito yan, vocational course, mag-aalaga lang naman ng mga anak ng mga magulang na iniiwan sa day care center kasi nga papasok sa work ang mga magulang.”

Hindi naman ito pinalampas ng aktres, sa kanyang panayam sa PEP.ph ay punatulan niya ito.

Aniya, “Kahit Unbothered Queen ako, papatulan ko ang basher dahil proud ako kay Sophia. Ako ang nagtaguyod sa kanya at napagtapos ko siya sa La Salle.

“Bachelor of Science Major in Early Child Education ang course ni Soph dahil gusto niyang maging teacher siya at magturo ng mga bata. Kung walang mga teacher, walang mga lawyer at mga doktor.

“Basta ang mahalaga, nakapagtapos ka ng pag-aaral. Hindi naman ito contest kung sino ang magaling.”

Sa huli ay nagbigay din si Sophia ng mensahe sa netizen na hinamk ang kanyang kurso.

The post Ai Ai delas Alas binweltahan ang netizen na hinamak ang kursong natapos ng kanyang anak appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment