Muling nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan through her social media post.

Kagabi, March 13, isang video na compilation ng mga larawang kuha sa ospital. Kung saan siya naka-admit ang ibinahagi ni Kris.

Makikita sa nasabing video ang mga procedure na ginawa sa Queen of All Media. At syempre hindi mawawala sa kanyang tabi ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh.

Naroon din ang aktres na si Angel Locsin na naka-alalay sa kanyang ate Krissy.

Sa almost seven minutes video ni Kris, ipinaliwanag niya ang mga ginawa sa kanya. Isa isa din niyang pinasalamatan ang mga doktor at nurses na nag-aasikaso sa kanya.

Sa isang bahagi ng video, isa sa iniinda ni Kris ay ang kanyang lower spine. Aniya, “I won’t lie to you, there’s this parang nabu6bo6 ng bongga feeling in my lower spine.”

Ayon kay Kris dahil daw kasi ito sa sobra niyang kapayatan. “But apart from my medicinal limitations halos wala na kasi akong fat to help “Cushion” my bones.”

“kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process & hit or miss para makahanap ng okay na pwesto pag hihiga at kung uupo,” paliwanag nito.

Sa dami ng prosesong kanyang pinagdadaanan nanatili namang positibo ang actress tv host. Aniya alam niyang malalagpasan niya rin ito kaya imbes na umangal ay nagpapasalamat siya sa Panginoon.

Narito ang kanyang video:
View this post on Instagram
The post Kris Aquino muling nagbigay update, iniinda ang pagsakit ng likod dahil sa kapayatan appeared first on Pilipinas Trending.