Matapos ibunyag na nakipag-one night stand si Tom Rodriguez na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carla Abellana. Binawi ni Rey PJ Abellana ang tungkol dito.

Sa panayam ni Rey sa 24 Oras, nilinaw nito na nagbigay siya ng payo kina Tom at Carla. Biglang kumambiyo si Rey sa kanyang mga naunang binitawang salita tungkol sa marital problem ng anak at ng manugang.

Nakarating na raw kasi sa anak niya ang ginawa niyang pagsasalita sa online show na Cristy Ferminute last March 11, kung saan nabanggit niyang wala umanong third party sa pagitan nina Carla at Tom. Ito kasi ang naituturong dahilan ng umano’y hiwalayan ng TomCar couple. Bagkus ay “one-night stand” lang umano ang naganap kaya’t hindi ito maituturing na third party.

Aniya, “At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.”

Ayon pa kay Rey, hindi niya naipaliwanag nang maigi ang tungkol dito sa panayam sa kanya ng beteranang manunulat at radio anchor na si Cristy

“So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po. Pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama,” paliwanag pa nito.

Inamin ni Rey na hindi ikinatuwa ng kanyang anak ang kanyang pagpapa-interview.
The post Rey PJ Abellana binawi ang unang pahayag tungkol sa one night stand issue ni Tom Rodriguez appeared first on Pilipinas Trending.