Ipinaliwanag ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao ang tungkol sa dati niyang pahayag na papasok na siya sa kumbento.

Taong 2017 sa presscon ng show niya noon na The Better Half. Ibinahagi ni Shaina na balak na niyang mag-madre. Nais na daw niyang lisanin noong 2013 ang showbiz para sa bokasyon na iyon.

Ani ng aktres, “Kasi parang feeling ko, may calling ako to serve. And at that time, malapit kasi ako sa mga madre. And hanggang ngayon naman, malapit ako sa mga madre.”

Pero hindi natuloy ang balak noon ni Shaina dahil ayon sa aktres ay hindi rin niya kayang iwan ang showbiz at ang pag-arte.

“Ilang beses ko nang sinabi na ayoko nang mag-showbiz or magku-quit na ako, magma-madre na lang ako, wala, eh. Laging may trabaho,” saad pa ni Shaina.

Sa halip na mag-madre nagtayo na lang ng foundation si Shaina na tinawag niyang Smile Cares. Ito ay ini-launch noong June 29, 2017.

“Ngayon, may diversion ako which is the foundation and I guess, I realized na you don’t really have to be… (madre) to serve. So ‘yon yung pinagkakaabalahan ngayon,” lahad ng aktres.

Puro mga non-showbiz daw ang kasama niyang nagtatag ng foundation.
“We franchised this after-school program from the States. After school program siya but we have partner-schools here. Mga private schools.”

Sa ngayon ay kabilang pa din si Shaina ng cast ng longest running series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
The post Shaina Magdayao sinagot na ang mga haka-haka na lilisanin na niya ang showbiz para maging madre appeared first on Pilipinas Trending.