Live Love Laugh… Iyan ang caption ni Rabiya Mateo sa latest sweet photos nila ni Jeric Gonzales.

Kagabi, ay tila kumpirmasyon na ang latest Instagram post ni Rabiya sa kung ano nga bang meron sila ni Jeric.

Matatandaan na ilang buwan ng usap-usapan ng mga netizens ang tunay na namamagitan sa kanila.

At sa nasabing post nga ng Miss Universe PH 2020 ay nasagot na ang mga bulong bulungan na may relasyon na nga sila ng Kapuso actor.

Makikita sa nasabing post ang video at photos ng yakapan at ilang sweet moment kasama si Jeric.
“Live. LOVE. Laugh.Thank you, Eric,” saad ni Rabiya sa caption.
View this post on Instagram
Hindi naman nagpahuli si Jeric at nagpost din sa kanyang Instagram ng mga larawan kasama si Rabiya, kasabay ang caption na: “To more memories with you [Rabiya Mateo] I love you.”
View this post on Instagram
Talaga namang nawindang ang kani-kanilang mga tagahanga at kaibigan sa showbiz at napa-sana all na lang!

Sinasabing nag-krus ang mga landas ng dalawa nang maging Kapuso si Rabiya at sumabak sa aktingan sa ‘Wish Ko Lang’ noong Nobyembre 2021 kung saan nagkasama sila sa isang episode.
The post Rabiya Mateo kinumpirma na ang relasyon nila ngayon ni Jeric Gonzales appeared first on Pilipinas Trending.