Nagbigay inspirasyon sa marami ang latest vlog ni Herlene ‘Hipon’ Budol tungkol sa kung paano makakaipon ng pera.
Sa nasabing video ni Herlene, ibinahagi niya kung magkano ang naipon niya sa kanyang ‘ipon challenge’ noong 2021.

Ipinakita niya ang fifty peso bills na nakalagay sa isang kahon nang bilangin niya. Ito ay umabot sa 39,250 pesos ang kabuuan.

Ayon kay Herlene ang naging sikreto niya sa pagiipon ay hindi niya itinuturing na pera ang singkwenta.

Kada may sukli siya o basta magkakaroon siya ng fifty peso bill ay agad niyang inihuhulog ito sa kanyang ipunan.

Kaya naman inudyukan ni Herlene ang kanyang mga viewers na gayahin din ang kanyang ginawa upang makaipon din ng malaking halaga.

Aniya pa nga hindi na lang daw mamamalayan na malaking pera na pala ang kanyang naitabi sa bawat 50 peso bill na kanyang isnusubi.


Samantala, maraming netizens naman ang humanga sa determinayon na ito ni Herlene.


Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Achievement yan ate hipon Ngayon binigyan mo ako ng tip or clue kung pano mag ipon..Thanksyou so much.. Keepsafe and Godbless”
“Thank you Herlene sa inspirasyon. Nkpag start na ako mag ipon challenge 5,10, 20,50 and 100. God bless”
“Wow Ang galing mo Herlene.tama big encouragement SA iba yan.good luck”
“Nakaka inspired mag ipon ma gaya nga let the ipon begin for the future”
Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Herlene:
The post Herlene ‘Hipon’ Budol, ibinahagi ang kanyang sikretong malupit kung paano makakaipon ng pera appeared first on Pilipinas Trending.