Thursday, February 10, 2022

Toni Gonzaga sasagipin ng mga Villar, balitang lilipat na din sa AMBS Network ng mga ito

0

Mukhang magiging ‘Capamella’ na din na pagmamay-ari ng mga Villar si Toni Gonzaga matapos macancel sa Kapamilya network.

Maugong ang mga bali-balitang baka lumipat si Toni sa bagong Villar network. Ito ay ang Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBS).

Ito ay ang pinagkalooban ng pamahalaan ng broadcast frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN.

Sa gitna ng kasi ng pagbibitiw ni Toni bilang main host ng PBB. Mukhang hindi na rin siya magkakaroon pa ng ibang show sa ABS.

Kaya naman nang magpost si Mark Villar ng larawan na kasama si Toni ay naging bulong bulungan na baka kukunin na nga sya sa network ng Villar.

Saad ni Mark sa kanyang caption, “Forever grateful for the support and friendship, Toni! We are always 100% behind you.”

Hindi naman daw imposible na tuluyan na ngang iwanan ni Toni ang ABS at lumipat sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS upang suportahan ang pamilya ng kaniyang kaibigan.

May haka-haka pa nga na baka magsama daw sila ni Willie Revillame sa isang show. Matatandaan na hindi na din nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA si Kuya Wil.

Lumabas din ang usapin na kasosyo umano ng mga Villar si Willie sa itinayo nilang Network.

Hindi man makabalik si Toni sa Kapamilya Channel, malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng programa sa AMBS na mapapanood sa Channel 2.

Well, abangan na lang natin ang next move ni Toni.

The post Toni Gonzaga sasagipin ng mga Villar, balitang lilipat na din sa AMBS Network ng mga ito appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment