Friday, February 11, 2022

Ivana Alawi may sariling skin care line na; CEO ng Ivana Skin

0

Ivana Alawi, CEO na ng kanyang sariling skin care line na tinawag niyang Ivana Skin.

May bagong milestone na naman sa kanyang buhay ang YouTube vlogger at aktres na si Ivana Alawi.  Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Ivana sa kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang pinakabagong upload na vlog sa Youtube, makikita ang “MY NEWEST BABY REVEAL” na vlog ng huli. Nandoon sa video ang buong pamilya niya na todo ang suporta sa kanya.

Nagbigay ng kanilang personal reviews ang kanyang mga kapatid kasama na ang lalaking kapatid na si Hash Alawi. Makikitang masaya ang buong pamilya sa bagong achievement ni Ivana sa kanyang buhay.

Pero bakit nga ba sinimulan ni Ivana ang kanyang skin care business?

“Noong bata ako, sobrang hilig ko talaga sa skin care and nu’ng bata ako, hiyang hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapagsleeveless… nahihiya talaga ako, wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko,” pagbabahagi niya.

Sabi pa ni Ivana, mahilig daw talaga siya sa skin care at pangarap niya daw ng magkaroon ng sariling skin care. Kaya naman ngayon ay ibabahagi niya daw sa lahat ang naging pag-aalaga niya sa kanyang balat sa murang halaga.

Kasama sa mga produkto niya ay ang Beautifying Body Milk (Php 399), Perfect Whipp Bar (Php 199), Purifying Charcoal bar (Php 129), at ang Rejuvenating Glow Kit (Php 499).

Panuoring ang buong vlog dito:

The post Ivana Alawi may sariling skin care line na; CEO ng Ivana Skin appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment