Thursday, February 24, 2022

Barbie Imperial bumili ng Rolex Watch na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon!

0

Barbie Imperial may bagong relo na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon!

Lowkey flex ang 23-year-old na Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kanyang bagong mamahaling koleksyon. Sa kanyang Instagram, proud na ibinahagi ng aktres ang nasabing relo.

Noong February 22, 2022 ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram story ang Rolex watch. Caption niya, “New bb sourced by @houseofauthentics.”

Hindi man inilagay ng young actress ang detalye nito, pero base sa itsura ito ay Lady-DateJust in oyster steel and gold with a diamond-set dial.

Kung ikaw ay isa sa mga nagtatanong kung magkano nga ba ito, ito ay nagkakahalaga ng tumataginting na PHP489,500 na ayon mismo sa official page ng store.

Habang ang Lady-DateJust with diamond-set gold dial and jubilee bracelet naman ay nagkakahaga ng PHP 636,000.

Sa kabilang banda, bago pa man ibahagi ni Barbie ang napaka mahal na relo ay makikita na ito sa kanyang OOTD noong nagpunta siya sa Aivee Clinic noong February 14, 2022.

Samantala, maraming netizens naman ang napanganga sa halaga ng relo na ito ni Barbie. Halos pwede na daw kasi ito makabili ng sasakyan.

The post Barbie Imperial bumili ng Rolex Watch na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment