Thursday, February 24, 2022

Carla Abellana ni-like ang comment ng isang netizen na tinawag na ch3ater si Tom Rodriguez

0

Agaw atensyon ngayon ang pag-like ni Carla Abellana sa komento ng netizen na tumawag kay Tom Rodriguez ng ch3ater.

Halos isang buwan na din ang nakakalipas ng unang umugong ang balita. Na hiwalay na diumano ang mag-asawang sina Tom at Carla.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang nilalabas na statement ang dalawa ukol dito.

Pero kamakailan lang ay tila may pahiwatig si Carla sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Tila sinang-ayunan ni Carla ang komento ng netizen na tinawag na “ch3ater” si Tom.

Nag-ugat ito sa Instagram post ni Tom kahapon, February 24, 2022. Nag-promote siya ng pelikula nila ni Meg Imperial, ang The Last Five Years, na tungkol sa longtime couple na nasa bingit ng hiwalayan.

“Nakilala, nagmahal, nasaktan. Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig?” bahagi ng caption ni Tom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Sa comments section, ni-like ni Carla ang tahasang akusasyon ng netizen na “cheater” si Tom.

Hindi naman nakaligtas sa mga mapanuring mga netizens ang move na iyon ng Kapuso actress.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Imbes ayusin in private talagang gusto nya ipahiya ang taong minsan nya ring minahal. Uso ang 2nd chance teh.”

“alam naman niya daming marites sa social media. Binigyan niya pa ang mga tao maki asosyo sa buhay nila”

“Sana maintindihan natin na iba iba tayo ng ways to cope sa pain or any kind of problem. Papansin, paepal or whatever she does, bakit ba nagagalit sa kanya eh sa ganyan ang gusto niya eh”

The post Carla Abellana ni-like ang comment ng isang netizen na tinawag na ch3ater si Tom Rodriguez appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment