Vic Sotto, ibinahagi ang rason niya at ng asawang si Pauleen Luna kung bakit ayaw pang sundan ang anak na si baby Tali.

Sa naging virtual presscon ng Eat Bulaga! host noong February 21, 2022 para sa kanyang bagong endorsement na Boss Max 3, isa sa mga nabahagi ni Vic ang kanilang plano.

Ayon sa actor-host, hindi daw sila nagmamadali na sundan ang panganay na anak na si Tali Sotto. Pero sa katunayan daw, gusto na din daw ni Tali na magkaroon na siya ng kapatid.

Saad ni Vic, “The truth, tuwing nagdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?’”

Ang problema daw ay hindi nila masolo ni Pauleen ang kanilang kwarto dahil hindi pa sanay si Tali na matulog mag-isa.

“Ang problema ay parating katabi namin matulog, e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin.

“Kailangan may nakaakap sa kanya, nakaakap sa mommy, kay Daddy niya.
“Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali,” pagbabahagi ni Vic.
Kailangan daw muna matutong matulog mag-isa ni Tali.

The post Vic Sotto binahagi ang rason kung bakit ayaw pa sundan ang anak na si baby Tali appeared first on Pilipinas Trending.