Saturday, February 19, 2022

Xian Gaza nagiyak-iyakan nang malaman na ikakasal na ang ultimate crush niyang si Erich Gonzales

0

Mukhang hindi matanggap ni Xian Gaza na magpapakasal na ang ultimate at first ever showbiz crush niyang si Erich Gonzales.

Viral na nga ngayon sa social media ang naisapublikong wedding banns ni Erich. Nakapaskil ang wedding bann sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Nakasaad ditong nakatakda ang kasal ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo. Sa March 23, 2022 sa St. James the Great Parish.

Marami naman ang nabigla sa balitang iyon, ginawa kasing pribado ni Erich ang tungkol sa kanyang lovelife.

At isa nga sa sobrang nabigla sa nalalapit na pagpapakasal ni Erich ay si Xian Gaza. Sa Facebook post ng page na ISYUS na pagmamay-ari ni Xian isang video nito ang kanilang ibinahagi.

Kung saan tila umiiyak siya ng malaman na ikakasal na nga si Erich. Saad sa caption ng video, “Sabi ni Boss di naman daw masakit, parang kagat lang daw ng langgam”

Sa isang post pa ay sinabi ni Xian na masaya siya para kay Erich at tinanong pa ang pangalan ng fiancé ng aktres para umano maipa-billboard niya ito.

Matatandaan na unang nakilala si Xian nang magpagawa ito ng billboard. Na inaaya niya sa isang coffee date noon si Erich. Ngunit hindi naman ito binigyang pansin ng Kapamilya actress.

The post Xian Gaza nagiyak-iyakan nang malaman na ikakasal na ang ultimate crush niyang si Erich Gonzales appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment