Saturday, February 19, 2022

Erich Gonzales ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend?

0

Erich Gonzales ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend!

Ikinagulat ng marami ang larawan na mabilis na kumakalat ngayon sa social media. Ngayong gabi, February 19, 2022, nag viral ang isang post na makikita ang umano’y Marriage Bann ng aktres.

Sa nasabing larawan, makikita na naka paskil sa isang board na may nakalagay sa itaas na MARRIAGE BANNS. Sa ibaba nito ay ang printed photo ng aktres katabi ang larawan ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang nasabing larawan ni Erich at may mga personal na detalye sa ibaba. Mababasa ang kanilang buong pangalan, edad, pangalan ng mga magulang, at kung saan sila nasasakop na distrito ng simabahan.

Ang kanyang mapapangasawa ay nagngangalang Mateo Rafael D. Lorenzo na nakatira sa Ayala Alabang Muntinlupa City, 29 years old.

Sa ibaba din ng kanilang mga personal na impormasyon ay ang araw mismo ng kanilang pagpapakasal.

“Desire to contract marriage on: March 23, 2022 at Saint James the Great Parish,” nakasulat dito.

Surpresa ito para sa kanyang mga fans dahil tahimik ang Kapamilya actress pagdating sa kanyang lovelife. Walang bakas sa kanyang mga social media kabilang na ang Instagram at ang kanyang YouTube channel patungkol sa kanyang lovelife.

The post Erich Gonzales ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend? appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment