Toni Gonzaga, kusang umalis sa pagiging host ng Pinoy Big Brother!
Ito ang opisyal na inanunsyo ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram ngayong hapon, February 9, 2021.
Sa kanyang Instagram, nagbahagi ng larawan si Toni na kuha mismo habang naghohost siya ng reality show. Kalakip din nito ang opisyal niyang pahayag tungkol sa kanyang desisyon.
Panimula niya, “It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.”
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.”
Wala nang maririnig na babati ng “Hello Philippines” and “Hello World” sa tuwing manonood ng PBB. Pero habang buhay daw na papahalagahan ni Toni ang kanyang mga memories sa nabuo sa loob ng 16 years.
Ang lahat ng ito ay sa kabila ng maraming batikos na natanggap ni Toni nang siya ang mag host ng proclamation r4lly ng Presidential aspirant na si Bongbong Marcos na ginanap kagabi, February 8, 2022 sa Araneta Coliseum sa Bulacan.
Una nang nakatanggap ng negatibong komento ang host actress nang kunin niyang guest sa kanyang YouTube channel si Bongbong.
View this post on Instagram
The post Toni Gonzaga bumitiw na bilang host ng PBB matapos ang 16 na taon! appeared first on Pilipinas Trending.