Nagbahagi ng isang makahulugang mensahe si Danica Sotto tungkol sa mga anak ng mga hiwalay na magulang.
Sa kanyang Facebook post kamakailan, pinatunayan ni Danica na hindi hadlang ang pagiging broken family. Para magtagumpay ang mga anak sa kanilang hangarin sa buhay.
Hindi rin umano ito dahilan para ulitin ng mga anak ang naging pagkakamali ng kanilang mga magulang.
Isang patunay na lang niyan ay kung anong meron sila ngayon ng kanyang kapatid na si Oyo Boy Sotto. Hiwalay man ang kanilang magulang na sina Bossing Vic at Dina Bonnevie.
Silang magkapatid ay may maayos, masaya, at buong pamilya ngayon.
Ani Danica, “To the children of separated parents… You are not doomed to repeat the mistakes of your parents. You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong. Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi… you are not broken. Ask God to help and guide you. Kasi if we genuinely experience and understand God’s love. You won’t need to prove yourself to other people. You know na buo ka kasi HE fills in the gaps. Yung di kayang punuin ng mga tao lang. ”
Kalakip ng kanyang post ay ang larawan noong kasal niya kasama ang kanyang mga magulang.
Marami naman ang sumang-ayon sa post na ito ni Danica. On poitn at sobrang totoo umano ang naging pahayag na ito ng aktres.
The post Danica Sotto nagbigay ng pahayag tungkol sa mga anak na produkto ng broken family appeared first on Pilipinas Trending.