Itinanggi ng dancer-host na si Sugar Mercado ang kumakalat na balita na may relasyon sila ni Willie Revillame.
Hindi umano aware si Sugar na may isyu na palang lumalabas tungkol sa kanila ni Kuya Wil. Aniya hindi niya ma-imagine na madikit ang pangalan sa veteran host lalo na at parang tatay ang turing nila rito.

Saad ni Sugar sa isang panayam, “Para ko nang tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat.

“So, mao-open mo sa kanya lahat, tsaka sobrang bait niya.

“Ako, kahit anong mangyari sa future or what, ipagdadasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay tsaka gusto ng pag-asa.”

Ikinwento pa niya na mapagkakatiwalaan si Willie sa lahat ng bagay dahil sa kabaitan nito.

Ipinagdarasal pa nga ni Sugar na sana’y magkaroon ito ng lovelife. Hinihiling nila na sana dumating na yung right one na magmamahal ng totoo kay Willie at mag-aalaga sa kanya.

Iginiit din niya na ang relasyon niya kay Willie ay bilang boss at kaibigan niya. Natawa na lamang siya sa isyung ito at sana’y itigil na umano ang paggawa ng tsismis na wala namang katotohanan.

Unang nakilala si Sugar Mercado bilang miyembro ng grupong ‘SêxBómb Girls’ na sumikat noon sa longest running noontime variety show na ‘Eat Bulaga!’
Hindi naglaon ay nakitaan siya ng potensyal ni Kuya Wil. Kaya naman kinuha siya nito bilang co-host sa kanyang show.
The post Sugar Mercado nagsalita na tungkol sa balitang may relasyon diumano sila ni Willie Revillame appeared first on Pilipinas Trending.