Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga manonood ay ang pag-uugali ng mga housemates. Kung ano sila bilang tao sa kanilang kapwa, malaking usap-usapan ito sa Reality at Survival Show ng Pinoy BigBrother. Kaya naman todo hingi ng pasensya ang isa sa housemates na si Brenda Mage dahil sa hindi kaaya-ayang asal nito.

Noong nakaraang linggo nang maevict si Madam Inutz, Samantha Bernardo at Brenda Mage dahil sila ang nakakuha ng pinakamababang puntos. Tuluyan na silang namaalam sa bahay ni kuya upang haraping muli ang outside world.

Isa sa pinakausap-usapang evcited housemate ay si Brenda Mage, “Ang Fun-Along Comedian of Cagayan de Oro” dahil umano sa mga asal nito noong nasa loob pa lamang siya ng bahay ni kuya.

Matatandaang, iba’t-ibang issue ang kinasangkutan niya. Isa sa mga hindi nagustuhan ng mga netizens ay ang pagsalita niya ng masama sa mga ex-housemates kagaya ng aktress na si Alexa.

Sa kaniyang pag-uwi, ginamit niya ang kaniyang social media upang humingi ng pasensya sa kaniyang mga aksyon sa loob ng bahay. Dahil umani ito ng mga negatibong reaksiyon galing sa mga netizens. Kasama sa kaniyang post ay isang throwback picture.
Kalaunan ay dagdag niya, “Pasensya na po talaga sa lahat ng nangyari…. Tao lang po ( mukha lang hindi ) nagkakamali…. Salamat po…”
Ngunit sa kabila ng kaniyang mga hindi magandang pag-uugali na ipinapakita. Marami parin siyang tagasuporta at naniniwala sa kaniya. Mga taong kilala siyang talaga.
The post Newly Evicted Housemate Brenda Mage, nagsorry sa mga inasal niya sa loob ng bahay ni kuya! appeared first on Pilipinas Trending.