Sunday, January 9, 2022

Ogie Diaz nagbigay payo kay Xian Gaza sa pagiging ‘Marites’ nito sa social media

0

Pinagsabihan na umano ni Ogie Diaz ang internet personality at kaibigan niya si Xian Gaza sa pang-iintriga nito.

Isa si Ogie sa malapit na kaibigan ng ‘Marites’ ng social media na si Xian Gaza. Sa katunayan ay ninong ito ng bunsong anak ni Ogie.

Kaya naman bilang mag-kumpare ay sinabihan niya umano si Xian na maghinay-hinay. Sa pang-iintriga ng iba’t-ibang celebrity.

Ayon pa kay Ogie hindi niya kinukunsinti si Xian sa mga chismis na pinapakalat nito.

“Sinabihan ko po si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba,’” wika ni Ogie. “Ako po ay hindi nagkulang ng paalala. Sinabi ko naman po kay Xian ‘yun.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘nasasayang ‘yung mga good deeds mo kung tatapatan mo ng mga ganitong mga pang-iintriga’… Ako ay isang tunay na kaibigan. Kung para sa ‘yo ay kulang pa ito, kung para sa ‘yo ay mali ako, edi gawin mo kung ano ang para sayo ay tama kaya nga lang may repercussions,” dagdag pa ng talent manager.

Nilinaw din ni Ogie na wala silang kinalaman ng alagang si Liza Soberano sa mga ipinopost ni Xian. Saad kasi ni Ogie ay nadadamay sila ni Liza dahil sa isang burado na ngayong post ni Xian kung saan sinabi nitong hindi niya maaring “itsismis” si Liza gayung kumpare niya si Ogie na manager nito.

“Chairman” pa raw ang tawag ni Liza sa kanya at mataas din daw ang respeto niya sa aktres.

Gayunpaman, kinausap pa rin ni Ogie si Xian at pinakiusapang huwag na silang i-mention pa sa kanyang mga post dahil nadadamay pa sila sa mga pamba-b4sh ng publiko.

The post Ogie Diaz nagbigay payo kay Xian Gaza sa pagiging ‘Marites’ nito sa social media appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment