Sunday, January 9, 2022

Gerald Anderson mamahaling relo ang regalo para sa nobyang si Julia Barretto

0

Lubos ang kasiyahan ni Julia Barretto sa sorpresa ng kanyang nobyong si Gerald Anderson.

Noong nagdaang kapaskuhan, kasamang nagdiwang ni Gerald ang buong pamilya ni Julia. Sa mga larawan na ibinahagi ng ina ng aktres na si Marjorie Barretto. Makikita na super close sa kanila si Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Samantala, sa vlog naman na inilabas ni Marjorie sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang celebration nila noong Christmas Eve.

Makikita din sa nasabing video ang sorpresa ni Gerald kay Julia. Isang mamahaling relo ang ibinigay ng binata sa kanyang nobya.

Kitang kita naman ang pagkabigla na naging reaksyon ni Julia. Rolex kasi ang tatak ng ibinigay ni Gerald.

Ani pa nga ng aktres, ito ang kauna-unahang rolex niya, na hindi naman kaila sa publiko kung gaano kamahal ang presyo nito.

At syempre bukod kay Julia ay may regalo din si Gerald sa mga kapatid ng kanyang girlfriend. Hindi din mawawala ang para kay Marjorie.

Ayon pa nga kay Marj, alam na alam umano ni Gerald ang makakapagpasaya sa bawat isa sa kanila.

Maraming netizens naman ang pumuri sa ganda ng samahan nila. May mga nagsabi pa nga na nakakatuwang makita na welcome na welcome ang aktor sa pamilya ni Julia.

Kapansin pansin din daw ang ibang saya ni Gerald at Julia sa tuwing sila ay magkasama.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

The post Gerald Anderson mamahaling relo ang regalo para sa nobyang si Julia Barretto appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment