Sunday, January 30, 2022

Ogie Diaz ikinalungkot ang pag-usad ng 1Billion case na isinampa kay Enchong Dee

0

Lungkot ang nadarama ni Ogie Diaz sa kasong kinakaharap ngayon ng Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Ayon kay Ogie, kasama siya pati na sina Pokwang at Agot Isidro sa idinemanda ni Claudine Diana Bautista Lim.

May tatlo ring female netizens na pinangalanan sa reklamong isinampa ni Bautista sa Office of the Prosecutor ng Davao Occidental.

Pero na-dismiss ang reklamo laban kina Ogie, Pokwang, Agot, at tatlo pang netizens.

Ayon pa sa resolusyon ay hindi maituturing na paninirang-puri ang mga ipinost ng ibang respondents (Agot, Pokwang, Ogie, et al) dahil inihayag lang nila ang kanilang opinyon o saloobin.

At kahit nga na-abswelto si Ogie, hindi raw siya ganap na masaya dahil sa pagkaka-diin ng kapwa-Kapamilya na si Enchong.

Ani Ogie, “Kaya rin di ko masyadong dini-discuss ‘yan kahit sa YouTube ko kasi siyempre yung kasama namin ay nandun.

“Masarap magbunyi kung lahat kayo panalo, di ba? Magbubunyi ka tapos yung kasama mo, nandun pa rin siya.

“Siyempre sad ako for Enchong. Sana maayos, sana ganun din ang kalabasan tulad ng sa amin.

“Pero hindi pa rin naman tapos, hindi natin alam kung ano yung next move nila.

“Tapos na kami, pero depende na lang kung iaapela nila.

“Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro na yung sa amin simple kaya nabasura.”

Pero aminado rin naman siya na lesson learned na rin ito sa kanya na magdahan-dahan din sa pagbibigay ng opinyon.

“Oo naman lesson learned to all of us na kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman libelous o ano, eh, meron naman palang masasaktan sa naging opinyon ko,” paglalahad pa ni Ogie.

The post Ogie Diaz ikinalungkot ang pag-usad ng 1Billion case na isinampa kay Enchong Dee appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment