Saturday, January 29, 2022

Hero Angeles balik na sa pag-arte gagampanan ang role ng isang Beki sa episode ng ‘Dear God’

0

Balik ng muli sa pag-arte ang Star Circle Quest first ever grand winner na si Hero Angeles.

Laking pasasalamat ni Hero na nabigyan siya ng oportunidad. Upang gumanap bilang gay sa isang episode ng ‘Dear God’

Bibida ang 37-years old actor kasama ang aktres na si Ritz Azul sa nasabing episode na pinamagatang Sammie and Jackie.

Kung saan gaganap nga na beki si Hero at tomboy naman si Ritz.

Ayon kay Hero masaya daw siya na nabigyan siyang muli ng proyekto. Kahit pa nga nasa gitna pa din ng pand3mya ang bansa.

“Isang malaking pasasalamat kay God sa blessing na ito. I am grateful for the opportunity na makapagtrabaho sa kabila ng kinakaharap nating pagsubok sa panahon ng pandemya,” aniya.

Pagbabahagi pa nga ng aktor ay very inspiring at kapupulutan umano ng maraming aral ang kwento ng kanilang episode.

Pinasalamatan din niya ang mga tao sa likod ng show na pinagkatiwalaan siya sa role na iyon. At binigyan siya ng chance na makatrabaho ang mga talentadong artista.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hero Angeles (@iamheroangeles)

Ang Dear God ay co-produced ng Ria Productions at Heaven’s Best Entertainment Production.

Ito din ang kauna-unahang proyekto ni Hero matapos siyang mawala ng matagal na panahon sa industriya ng showbiz.

The post Hero Angeles balik na sa pag-arte gagampanan ang role ng isang Beki sa episode ng ‘Dear God’ appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment