Tuesday, September 27, 2022

Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak nilang si Bia

0

Buo na ang desisyon ni Zeinab Harake na hindi na muli pang makipag-communicate sa ex-partner na si Skusta Clee.

Bakas sa itsura ngayon ng sikat na vlogger at social media influencer na si Zeinab ang kasiyahan. Ito ay nang humarap siya sa entertainment media kamakailan bilang bagong brand ambassador ng Beautederm Corporation.

Isa umano sa rason kung bakit siya glowing ngayon ay dahil na rin sa bago niyang kasintahan na pinili niyang maging pribado muna ang kanilang relasyon.

Samantala, isa sa mga naitanong ng press people kay Zeinab ay tungkol sa communication nila ng dating partner na si Skusta Clee.

“Wala po, wala po. Cut off na po,” panimula ni Zeinab.

Dahil dito ay nausisa pa siya kung paano ang setup nila ni Skusta para sa anak nilang si Bia. Aniya solo niyang pinalalaki ang anak at wala umanong kusa si Skusta na magpadala ng suporta.

Pero pagtitiyak ni Zeinab ay kaya naman daw niyang palakihin si Bia nang hindi umaasa sa iba.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan,” sagot ni Zeinab. “’Yong baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon.”

Ayaw na rin daw niya na magkaroon pa ng ugnayan ang anak niya sa ama nito.

The post Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak nilang si Bia appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment