Umani ng papuri ang kwento ng isang gasoline boy na nakapagtapos ng kolehiyo habang siya ay nagtatrabaho.
Isang pump attendant si Eric Rosales at ito ang nakatulong sa kanya upang matustusan ang kanyang pag-aaral.
Ayon sa report ng PEP.ph, tuwang tuwa si Eric nang mapabilang siya sa Class of 2021 ng Tagoloan Community College sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Nito lamang June 17, 2021 ay nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Criminology. Aniya, sa sobrang tuwa niya ay nawala umano ang lahat ng pagod niya sa pagtatrabaho.
Pati na rin ang kanyang buong pamilya ay naiyak sa tuwa ng malaman ang napakagandang balita na ito. Sa loob ng apat na taon ay hindi niya lubos akalain na makakayanan niya ang lahat.
“Sobrang saya. Nawala lahat yung pagod ko. Grabe, di ko ma-explain.
“Tuwang-tuwa ako. Yung mga kapatid ko, tsaka yung mama ko, papa ko, ang saya nga nila. Umiyak.
“Di ko akalain na kaya ko pala yung apat na taon na gano’n,” saad ni Rosales sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.
Sa Tagoloan naninirahan si Rosales kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang live in partner na si Genelyn.
Ito aniya ang naging inspirasyon niya upang tapusin ang kanyang pag-aaral lalo na ang kanilang anak na babae na isang taong gulang.
Magsasaka ang ama ni Eric, pero hindi nila pagmamay-ari ang lupang sinasaka. Samantalang ang kanyang ina ay isang housewife.
Hindi nakapagtapos sa kolehiyo ang dalawang kapatid ni Eric, bagamat nakapagtapos sila ng high school.
Nang mag-graduate si Eric sa Kalabugao National High School noong 2010, namasukan na siya agad bilang all-around assistant sa isang supermarket sa Bukidnon.
Para masuportahan ang sarili, hindi siya umalis sa trabaho bilang pump attendant.
Ang kanyang istorya ay patunay lamang na kung may tiyaga ay may nilaga.
The post Pump Attendant ng isang gasoline station nakapagtapos na ng kolehiyo ngayon! appeared first on Pilipinas Trending.