Sa edad na 32, saka pa lamang natutunan ni Sarah Geronimo kung paano i-handle ang sarili niyang kinikita.
Matapos ang halos dalawang dekada sa industriya ng showbiz. Natutunan na ngayon ni Sarah Geronimo kung paano pa palakihin ang kanyang kinikita.
Sa isang digital interview kay Sarah, ibinahagi ng singer actress na ngayon pa lamang niya natutunan kung paano nga ba hawakan ang sarili niyang pera.
Hindi naman kaila sa publiko na magmula pumasok sa showbiz si Sarah. Ang kanyang Mommy Divine na ang humahawak ng lahat.
At ngayong may asawa na siya at wala na sa poder ng mga magulang. Unti-unti nang natututunan ni Sarah kung paano nga ba ang mag-budget.
Syempre natutunan na din ng misis ni Matteo Guidicelli kung paano at kung saan niya i-invest ang kanyang pera.
”Kumbaga, kung ano man yung naipon mo, naka-park lang sa bangko… Lumaki po ako na ganyan ang mentality ko, e,” pagbabahagi ni Sarah.
Para dipensahan naman ang kanyang ina ani Sarah, “Kasi, ang mama ko po talaga, she’s the kind of mother na kung kaya niya talagang gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya.
“Para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya.”
Saad pa nga nito na parang masyadong na-control ang kanyang adulting stage ng mga panahon na single pa siya.
“Parang na-expedite yung adulting ko, ano. Nagkaroon ng asawa ‘tapos ngayon ko na na-e-experience how to handle my own finances.
“How to budget kung ano man yung meron ako, how to invest kung ano man yung naipon ko. Before kasi, alam mo yung batang bata na, ‘O, iipunin ko yung mga nakukuha ko from my work sa bangko.’
“Lumaki po ako na ganyan ang mentality ko, e, so ngayon ko lang po naiintindihan yung investment talaga.”
The post Sarah Geronimo isiniwalat ang maling nakagisnan noon tungkol sa paghawak ng pera appeared first on Pilipinas Trending.