Tuesday, August 9, 2022

Rita ‘Badjao Girl’ Gaviola inamin na sa publiko na isa na siyang ganap na ina!

0

Isang ganap na ina na si Rita Gaviola o mas naunang nakilala sa publiko bilang si Badjao Girl.

Noong mga nakaraang buwan, kumalat ang balita na buntis na nga si Rita. Sa first baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Mariin naman niya itong itinanggi sa mga post niya sa social media. Pero ngayong araw lang, Martes, August 9 ay ginulat ni Rita ang publiko.

Sa kanya kasing Instagram post ay ibinahagi ni Badjao Girl na isa na nga siyang ganap na ina ngayon. Kalakip ang larawan na karga niya ang kanyang newborn baby at ang kanyang partner.

Ani Rita sa kanyang post, “Mahal ko kayo”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Marami naman ang natuwa sa post na iyon ni Rita, pero hindi pa din nawawala ang mga nega. Na agad siyang hinusgahan at pinagsalitaan ng masasakit.

Kaya naman sa panibago niyang post, ibinahagi ni Rita ang larawan ng kanyang anak. Kalakip ang isang makahulugang caption.

Aniya, “Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang saakin Basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit wag lang anak ko pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinaIa6Ia6 ang baby dahil lang sa kasikatan”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Huling napanood sa telebisyon si Rita nang sumali siya sa “Showtime Sexy Babe” ng It’s Showtime noong February 2022.

The post Rita ‘Badjao Girl’ Gaviola inamin na sa publiko na isa na siyang ganap na ina! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment