Tuesday, August 30, 2022

Claudine Barretto ipinapaubaya na kay Raymart Santiago ang kanilang annulment

0

Ibinahagi ni Claudine Barretto na magpasa-hanngang ngayon ay hindi pa sila nagkaka-ayos ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Taong 2013 nang maghiwalay sina Claudine at Raymart matapos ang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa.

2004 sila ikinasal via civil ceremony at idinaos ang Christian wedding nila sa Tagaytay noong 2006.. Hanngang sa kasalukuyan nga ay under process pa rin ang kanilang annulment.

Samantala, sa panayam sa aktres ng PEP.ph, ibinahagi nito na hindi pa din sila okay ni Raymart. Ani Claudine, “Hindi pa rin kami okey lalo na ngayon, nag-i-start na kami sa annulment.”

“Ngayon pa lang kami mag-i-start sa annulment. Meron kaming hindi napagkakasunduan. So, parang back to square one na naman kami. ‘Yung parang kung kailan tahimik, heto na naman. Ayaw na namang tumigil,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Claudine, hindi pa nagkakaroon ng hearing ukol sa annulment case nila ni Raymart.

Hirit pa nga ng Optimum Star, “Siya na ang pinag-file ko. Alangan namang ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!

“Siya ang gumastos, ‘di ba? Siya ang may kailangan, siya ang gumastos”. Sa ngayon ay in a relationship si Raymart sa Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Samantalang wala namang napabalitang bagong karelasyon ni Claudine Barreto.

The post Claudine Barretto ipinapaubaya na kay Raymart Santiago ang kanilang annulment appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment