Wedding bells are ringing so soon na para sa magkasintahang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza!

Matagal ng bali-balita na malapit na ngang ikasal ang long time couple na sina Maine at Arjo. Ilang beses nang naging usap-usapan na nag-propose na diumano ang aktor sa kanyang nobya.

Pero ngayong araw lang officially isinapubliko ng dalawa na sa kasalan na nga mapupunta ang kanilang halos apat na taon na relasyon.

Sa kanyang IG post ngayong araw ng Biyernes, July 29, ilang larawan ang ibinahagi ni Maine. Makikita na may suot suot siyang singsing na talagang ibinandera niya sa naturang post.

Ani pa ng actress TV host sa kanyang caption, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Kalakip nito ang ilang litrato na tila gulat na gulat pa ang magkasintahan.
View this post on Instagram
Highlighted din ang singsing na suot ni Maine habang hawak hawak niya ang mukha ng kanyang fiance.

Makikita din na ang background ng kanilang litrato ay punong puno ng mga puting rosas. Ayon naman sa ilang source, naganap ang romantic proposal ng Kapamilya actor at Quezon City 1st District Representative sa “Eat Bulaga” host sa Tali beach resort sa Nasugbu, Batangas.

Samantala, inulan naman ng congratulatory message ang post ni Maine mula sa mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz industry.
The post Celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde engaged na! appeared first on Pilipinas Trending.