Ano na nga ba ang lagay ngayon ng dating sikat na komedyanteng si Dagul o Romy Pastrana in real life.

Ito ang inalam ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang vlog sa YouTube kamakaialn.

Isa si Dagul ang nagbigay aliw sa mga manonood noong mga panahong sikat pa siya. Bilang komedyante isa siya sa naging mainstay sa kid gagshow na Goin Bulilit.

Si Dagul ay mayroong apat na anak, isang babae at tatlong lalaki. Ang kanyang naging asawa ay isang non-showbiz personality.

Batid naman ng lahat na si Dagul ay may kondisyon na kung tawagin ay “dwarfism”, sila yung mga taong ipinanganak na ang tanging taas lamang ay umaabot ng 4ft kahit na sila ay matanda na.

Bago pa man mawalan ng prankisa ang ABS-CBN ay nawala na ang show ni Dagul. At magmula noon ay hindi na siya muling napanood sa telebisyon.

Kaya ang tanong ng marami ngayon ay kamusta na nga ba ang komedyante?
Sa vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Dagul, at inalam nito ang kalagayan ngayon ng dating sikat na komedyante.

Sa ngayon ay mahirap daw umano ang buhay ni Dagul. Ibang iba daw noong nasa showbiz pa siya.
Sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa kanilang baranggay bilang head ng command center. Isa siya ngayong Kagawad sa kanilang lugar.

Hirap na rin umano si Dagul ngayon sa paglalakad, kaya lagi na lamang siyang nakaupo. Tuwing pumupunta siya ng barnggay ay kinakailangan pa siyang buhatin ng kanyang anak.

Ang pagbabantay din ng kanilang munting tindahan ang pinagkakakitaan ngayon ng komedyante.

Sa huli ay binigyan ni Ogie ng tulong si Dagul para sa pag-aaral ng anak nito kaya naging emosyonal ang mag-ama.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:
The post Kalagayan ngayon ng dating sikat na komedyanteng si Dagul ibinahagi ni Ogie Diaz appeared first on Pilipinas Trending.