Nagbalik-tanaw ang Kapuso actress na si Ina Feleo sa masasayang araw na kasama pa niya ang amang si Johnny Delgado.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, inalala ni Ina ang kanyang ama. Na dapat ay magdiriwang na sana ng kanyang 74th birthday.

Ani Ina, “Wala siyang birthday today technically dahil leap year siya ipinanganak, pero babati parin tayo ngayon ng happy birthday sa langit, sa nag-iisang Johnny Delgado Feb, 29.”

Kalakip nito ay ang video clip ng pelikulang pinagsamahan nila ng kanyang ama. Kasama din ang kanyang mommy na si Laurice Guillen.

Saad pa ni Ina, “A clip from ‘Labing-Labing,’ a short film I directed in 2009 where I [cast] my parents as two leads. This also turned out to be daddy’s last film”

Sa video clip makikita si Johnny na nagpipinta habang nakikipagkulitan kay Laurice na may hawak na garapon.

Inalala din ni Ina na sinabihan siya ng kanyang Daddy na gumawa pa ng maraming pelikula. Dahil pipiliin daw nitong umarte sa harap ng kamara basta ang anak ang direktor.

“It’s very sad that I only had this one film with him, but I am also grateful that his one-of-a-kind laugh is immortalized in this film. Happy birthday in heaven, daddy kong mahal ko,” pahayag pa ni Ina.
View this post on Instagram
Taong 2009 ng mamaalam si Johnny Delgado dahil sa kanyang kar’amda’man.
The post Ina Feleo inalala ang beteranong aktor at amang si Johnny Delgado sa ika-74th birthday sana nito appeared first on Pilipinas Trending.