Sunday, March 6, 2022

Batikang aktres at gumanap na Lola Basyang na si Luz Fernandez, namaalam na sa edad na 86

0

Isang haligi na naman ng industriya ng showbiz ang namaalam ngayong taon.

Namaalam na ang beteranang aktres at kilalang radio talent na si Luz Fernandez kahapon, March 5. Siya ay 86 years old.

Ang malungkot na balita ay unang kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Luz na si Percie Zapata. Kasabay ng pasasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumuporta sa aktres.

Sa telebisyon, higit na kilala si Luz bilang Lola Torya, ang host ng Ora Engkantada. Na isang top-rating children’s fantasy television show noong 1986.

Hindi rin siya makakalimutan ng mga Okay Ka Fairy fans sa pagganap niya bilang Luka, ang Reyna ng Kadiliman sa popular sitcom ni Vic Sotto.

Nitong mga nakaraang taon naman ay nakilala siya ng mga bagong henerasyon dahil sa mga palabas sa GMA Network na naging parte siya tulad ng Pepito Manaloto kung saan gumanap siyang Lola Yolanda, Kambal Karibal kung saan gumanap siya bilang si Magda, at sa Amaya bilang si Gawas.

Muli rin niyang binalikan ang karakter na Lola Basyang noon 2015 sa Tatlong Kuwento ni Lola Basyang ng Ballet Manila.

Ayon sa ulat, nakalagak ang labi ni Luz Fernandez sa Sapphire 1 ng Loyola Memorial Chapels sa Marikina City. Nakatakda ang kanyang libing sa darating na Miyerkules, March 9.

Huling napanood ang beteranang aktres sa pelikulang “And I Thank You” noong 2019. Na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Isa pa sa mga achievements ng veteran actress ay ang ginawa niya noong international movie na co-production venture ng LVN Studio at ng Indonesian film production na Pesari, ang “Rodrigo de Villa”.

Isa ito sa mga unang projects ni Luz Fernandez na ipinalabas noong 1952, kung saan nakasama niya sina Mario Montenegro at Delia Razon.

The post Batikang aktres at gumanap na Lola Basyang na si Luz Fernandez, namaalam na sa edad na 86 appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment