Friday, February 18, 2022

Trina Candaza may patama na naman ba kay Carlo Aquino? “Ibang babae pa iniisip niyan”

0

Trina Candaza, may pasaring na naman ba sa aktor na si Carlo Aquino?

Ilang buwan na ding napapabalita na hiwalay na ang magkasinatahang Carlo Aquino at Trina Candaza. Kapansinpansin sa kanilang mga social media accounts na wala na silang bagong mga larawan na magkasama.

Ngayon nga, may bagong pahayag na naman ang aktres na tila patama umano sa ama ng kanyang anak.

Sa kanyang Instagram story, nagbahagi ng isang video si Trina kung saan kuha ito ng baby monitor at makikitang nagising ng alanganing oras at nagising din sa pagkakatulog ang ina.

Caption niya dito, “Same age kay Mithi yung baby. 8x gumising yung mom to feed the baby. Kaya sa mga nagtatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na.”

Pero may kadugtong pa ito na tila nga ay may kahulugang iba, “Yung tatay ang himbing lang ng tulog tas pag gising ibang babae pa iniisip niyan.”

Ayon sa mga netizens, tila patama daw ito kay Carlo na para bang may third party na involved sa kanilang hiwalayan.

Patama nga ba ito ni Trina kay Carlo?

The post Trina Candaza may patama na naman ba kay Carlo Aquino? “Ibang babae pa iniisip niyan” appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment