Tuesday, February 1, 2022

Sa edad na 41 at kahit may tatlo ng anak, Regine Tolentino tinuturing pa ding ‘Hot Mama’

0

Certified Hot Mama pa din kung ilarawan ng marami ang aktres, tv host at choreographer/dancer na si Regine Tolentino.

Isa si Regine Tolentino sa showbiz personality na naging successful sa iba’t ibang business na kanyang pinasok.

Kilala siya bilang Zumba Queen, top notch TV host at fashion designer, aktres, dancer extraordinaire, at masipag na entrepreneur.

Pero ang isa pang kapuri-puri kay Regine ay ang pagiging uliran niyang ina, at ang pagiging isang certified Hot Momma.

Madalas kasing magbahagi si Regine ng kanyang mga larawan sa social media. At talaga namang kapansin-pansin na napanatili niya ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Hindi aakalaing may tatlo nang anak si Regine at edad 41 na dahil nag-uumapaw pa din ang kanyang kaseksihan.

Kapapanganak lang din ng actress-dancer noong 2020 sa kanyang youngest daughter na si Rosie sa partner niyang director at photographer na si Dondi Narciso.

May dalawang nakatatandang anak si Regine sa dating asawa at aktor na si Lander Vera-Perez. Naghiwalay sila noong 2016 matapos ang 18 taon ng pagsasama.

Sa kanyang pagiging se3xy natanong kay Regine sa nakaraan niyang panayam kung paano niya namemaintain ang kanyang fit body.

Ani Regine, “At this age kailangan talaga ng effort kung dati kaunting kembot lang papayat ka na. Now, a little bit more challenging. So I work out as much as I can. I eat healthy now. Diet and siyempre rehearsal nakatulong yan”

At dahil dito, we need to give Regine a credit dahil kahit tatlo na ang kanyang anak, not to mention that she just had a c-delivery, ang lakas pa rin ng dating ng kanyang hotness that would definitely give younger s3xy stars a run for their money.

Sang-ayon ka ba dito?

The post Sa edad na 41 at kahit may tatlo ng anak, Regine Tolentino tinuturing pa ding ‘Hot Mama’ appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment