Nash Aguas, mariing itinaggi na buntis ang kanyang girlfriend na si Mika Dela Cruz.

Ito ang naging paglilinaw ng batang aktor sa lahat dahil sa umuugong na usapan na buntis na umano ang kanyang nobya.
Si Mika ay ang kapatid ng aktres na si Angelica Dela Cruz.

Nappabalita na naman kasi na buntis na umano ang dlaga. Si Nash at Mika ay kapwa alumni ng defunct kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

Sa naging pahayag ng talent manager na si Ogie Diaz, nakausap niya umano si Nash at itinanggi umano ito ng aktor sa kanya.

“Kausap ko nga si Nash Aguas. Sabi ko kasi nga may blind item. Sabi niya, ‘Last year pa yan na na-blind item si Mika na buntis raw, ngayon may lumabas na naman? Di totoo yan, Tito Ogie’,” pagbabahagi ni Ogie.

Dagdag pa daw ni Nash, sadyang tumataba lang daw ang kanyang nobya ngayon dahil nga wala pang bagong project at na sa bahay lang.
“‘Medyo biggie lang si Mika ngayon’. Dahil nga sa lumaki kasi syempre alam mo na, wala pang work. Stay sa bahau so medyo biggie siya.'”

Pero ngayon daw ay sisimulan na muling mag work out ni Mika para mabalik ang dating hubog ng kanyang katawan.

Paglilinaw naman muli ni Ogie, “So hindi po totoo na buntis si Mika. Yes, medyo lumalaki lang dahil nasa bahay palagi. Alam mo na, kahit naman kami. Kapag nasa bahay ay lamon ng lamon.”
The post Nash Aguas tinanggi na buntis ang girlfriend na si Mike Dela Cruz! appeared first on Pilipinas Trending.