Mukhang out and proud ng ipinakilala ni Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez ang bago niyang nobyo sa publiko.
Right after Miss Universe, lumabas ang balita na hiwalay na si Bea sa kanyang girlfriend noon na si Kate Jagdon.

Ito ay dahil umano sa isang lalaki na nagngangalang John Odin. Kumalat noon sa Twitter ang larawan ng kamay ni Bea at John na magkahawak.

Inilabas umano ang nasabing larawan matapos kumalat na hiwalay na nga si Bea at Kate. Ibinahagi ni Bea ang litrato ng holding hands nila ni John sa kanyang Instagram Stories.

Samantala, ilang buwan na din ang lumipas, tila nais ng ipaalam ni Bea sa publiko. Ang namamagitan sa kanila ni John.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahapon, nagpost si Bea ng larawan na may kasama siyang lalaki.

Aniya sa caption, “Valentine’s Day, with black heart emoji”.
View this post on Instagram
Agad namang inulan ng komento ang post na ito ni Bea. May ilang pa ngang kumutya sa beauty queen at sa kanyang nobyo.

Saad ng ilan ay nagsawa na umano si Bea sa kapwa niya babae kaya humanap na ng lalaki. Habang ang ilan naman ay masaya para kay Bea.


May nakakilala din na ang lalaking kasama niya ay si John Odin. Na naging dahilan ng hiwalayan nila noon ni Kate.
The post Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez ipinakilala na sa publiko ang kanyang bagong kasintahan appeared first on Pilipinas Trending.