Friday, February 4, 2022

Larawan ni Andrea Brillantes kasama sila Kyle Echarri at Darren Espanto viral sa socmed!

0

Larawan ni Andrea kasama ang dalawa pang male singers, pinagkakaguluhan ngayon sa social media.

Inulan ng samu’t-saring komento ng mga netizens ang larawan ni Andrea kasama ang dalawang singers na sina Kyle Echarri at Darren Espanto.

Sa nasabing larawan, makikitang nakahiga ang tatlo kung saan na sa gitna si Kyle habang sina Andrea at Darren ay na sa magkabilang gilid na kalahating mukha lang ang kita sa kamera.

Ayon naman sa caption ng ISYUS, kuha daw ito nang mag “chilling with friends” ang tatlo. Nilinaw lang daw nila na tatlo sila sa larawan dahil may lumabas daw sa Twitter na si Kyle at Andrea lang ang kita.

Si Kyle at Andrea ay close friends dahil magkasama sila sa former teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Si Kyle ay ang former love team ni Francine Diaz habang si Andrea ay ang ka-love team pa din ni Seth Fedelin.

Kinokonekta ng mga netizens ang pagsasama ng dalawa dahil sa lumabas na isyu noong nakaraan tungkol kay Andrea, Francine at Seth. Hinanap din ng SethDrea fans sa larawan kung nasaan daw ang young actor na si Seth.

Samantala, wala naman daw malisy4 ang nasabing larawan ng tatlo dahil magkakasama daw silang magkakaibigan.

The post Larawan ni Andrea Brillantes kasama sila Kyle Echarri at Darren Espanto viral sa socmed! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment