Wednesday, February 9, 2022

Kakai Bautista nanggalaiti sa MERALCO nang makatanggap ng disconnection notice

0

Nagpuyos sa galit ang singer comedian na si Kakai Bautista sa MERALCO matapos niyang makatanggap ng disconnection notice.

Sa kanyang Instagram Stories kahapon, February 9, gigil na ipinahayag ni Kakai ang kanyang nadarama.

Ito ay dahil umano sa kapalpakan ng nasabing electric company. Naghihintay umano siya ng billing pero disconnection notice ang kanyang natanggap.

“@meralcoph gusto mo ng pagbabago pero ayaw mong ayusin ang sistema mo,” gigil na pahayag ng komedyante.

Sinabi ni Kakai na na natanggap kasi niya ang disconnection notice para sa kanyang electricity bill kung kailan malapit na ang due date niya.

“Disconnection notice pag malapit na ang due pagkatapos mag-intay na dumating ang bill? Ayusin mo. 2022 na!” saad pa niya.

Kalakip nito ay ang litrato ng kanyang electric bill at may nakapatong agad na reconnection fee. Nais ipahayag ni Kakai na maling mali umano ang sistema.

Ang tagal daw niyang hinintay ang bill pero hindi ito dumadating on time. Kaya nagulat na lamang siya ma disconnection notice na ang dumating.

Maraming netizens naman ang nakarelate sa sitwasyon na ito ng komedyante.

Mula kasi nagumpisa ang lockdown dahil sa pand3mya ay nagpatong patong na ang bills sa kuryente.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi naman naipaliwanag ng maayos ng MERALCO kung paanong computation ang kanilang ginawa.

Maraming Pinoy din ang hanggang ngayon ay hinuhulug-hulugan pa din ang kanilang previous bill.

Ikaw naka-relate ka din ba sa hinaing ni Kakai?

The post Kakai Bautista nanggalaiti sa MERALCO nang makatanggap ng disconnection notice appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment