Joshua Garcia, nag react na sa naging viral na kinainan niya sa Bulacan.

Tila hindi inaasahan ng Kapamilya young actor na si Joshua Garcia na pati ang kanyang pinagkainan ay mag viviral online.

Matatandaan na pinagkaguluhan ng mga netizens lalo na ng kanyang mga fans ang kinainang utsensils ng aktor. Noong nag shooting kasi sila, kumain sa Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa San Jose Del Monte, Bulacan ang aktor.

Sa offiicial Facebook page ng nasabing kainan, nag upload sila ng ilang behind the scenes ng nasabing shooting ni Joshua. Pero highlight dito ang kinainan mismo ng guwapong aktor.

Mabilis na nag viral ito at nagkaroon pa nga ng agawan at bidding dahil bibilhin daw ng mga fans ang utensils na ginamit ni Joshua. Ang iba pa ay ayaw pahugasan ang mga kutsara na ginamit dahil ayun din daw ang gagamitin nila kapag kumain sila doon.

Kaya naman si Joshua ay nagulat sa naging reaksyon ng mga netizens. Sa Twitter, shinare ni Joshua ang post ng News5 tungkol sa kinainan niya.
Caption niya, “Krazy” na may kasamang blushing emoji.
Krazy
https://t.co/7GKSQUI6O2
— Joshua Garcia (@iamjoshuagarcia) February 24, 2022
The post Joshua Garcia nag react sa pagiging viral ng kanyang kinainan sa Bulacan! appeared first on Pilipinas Trending.