Usap-usapan ngayon sa social media ang binatang anak nina Charlene at Aga Muhlach na si Andres dahil sa kagwapuhan nito.

Heartthrob in the making nga kung ituring ng mga netizens si Andres. Dahil sa angkin nitong kakisigan na anila’y namana nito sa kanyang mga magulang.

Marami nga ang nagnanais na maging artista din ang binata tulad ng kanyang mga magulang.

Nang lumabas siya sa Summer Collection ng isang sikat na brand ng damit ay mas lalo itong nakilala at maraming netizens ang binansagan siyang “Ultimate Crush ng Bayan”.

Ngunit tila hindi pa ito handa na pumasok sa mundo ng showbiz. Sa ngayon ay priority muna niya ang makapagtapos ng pag-aaral.

Nakaraang taon nga ay nagsimula na ang college life ni Andres sa Bansang Spain.

Malungkot naman ang kanyang ina dahil ito ang unang beses na mawawalay ng matagal ang kanyang anak sa kanya.

Ngunit syempre full support pa din si Charlene dahil sa ikakaganda naman ito ng future ng kanyang binata. First step umano ito para sa katuparan ng mga pangarap ni Andres.

Sa katunayan, sa bawat achievement ng kanilang mga anak ay talaga namang ipinagmamalaki nina Charlene at Aga ang mga ito.

Sa ngayon ay study first na nga muna si Andres pero marami ang umaasa na susundan nito ang yapak ng kanyang mga magulang.

At papasukin din ang industriya ng showbiz.
The post Binatang anak nina Charlene at Aga Muhlach na si Andres heartthrob kung ituring ng mga netizens appeared first on Pilipinas Trending.