Umalma si Antonette Gail del Rosario sa mga patuloy na lumalait sa itsura ng nobyo niyang si Whamos Cruz.
Kamakailan lang ay nakapanayam ng KAMI si Antonette Gail. Dito ay tinalakay nila ang tungkol sa mga b4shers at haters ni Whamos.
Ayon sa dalaga, mali umano na laitin ang pisikal na kaanyuhan ng kanyang boyfriend.

Dahil kung pagbabasehan daw ang itsura, pagdating ng panahon ay nagbabago naman ito. Pero ang pagiging mabuting tao ay pang-habang buhay.

Paliwanag pa ni Antonette naka-focus daw sila ni Whamos sa pagiging mabuting tao. At pakikipagkapwa tao. Na maging mabait sa kahit sino pa man na makasalamuha nila.

Saad ng dalaga, “Sa mga bashers ni Whamos actually puro physical appearance yung inaano nila kay Whamos. Sakin yung physical appearance nagbabago yan.

“Pero once na yung kabutihan mo yung pinairal mo sa maraming tao mas lalo kapang i-be-bless ni God at mas marami kapang taong makikilala. Sana sa susunod bago sila mang husga make sure na perfect sila”
View this post on Instagram
Nagsimulang umugong ang kanilang pangalan mula noong ipinakilala ni Whamos si Antonette Gail sa social media bilang girlfriend nya.

Nagsimula daw ang kanilang love story noong minsang ginaya ni Antonette Gail ang isa sa mga sayaw ni Whamos sa kanyang tiktok account.

Aminado naman si Antonette Gail na hindi naman daw sya tumitingin sa panlabas na anyo. Ang mga ngiti daw ni Whamos ang kanyang nakita kaya nahulog daw ang loob niya sa vlogger.
The post Antonette Gail del Rosario ipinagtanggol ang nobyong si Whamos sa mga bumabatikos sa itsura nito appeared first on Pilipinas Trending.