Yassi Pressman, proud sa kanyang body figure ngayon.
Isa si Yassi sa mga nag gagandahang mga artista sa industriya ng showbiz. Hindi din maipagkakaila na may magandang physique ang aktres.
Aktibo ito sa proper diet and exercise na siyang makikita sa kanyang mga social media updates. Partikular na sa Instagram, makikita ang mga beach photos ng aktres.

Sa katunayan, may endorsement din ang young actress sa isang inumin na nakakatulong sa pagpapapayat.

Pero ngayong taon, tila umalis sa kanyang comfort zone si Yassi pag dating sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Kung ang fans at supporters niya ay nasanay na makita ang sexy niyang pangangatawan, maninibago sila sa bagong idolo nila ngayon.

Sa kanyang Instagram, nag post ang aktres ng kanyang larawan kung saan makikita na malaki ang tiyan nito kung ikukumpara sa nakasanayan. Pero hindi dahil buntis ito, kung hindi dahil sa kanyang “food belly.”


Aniya, hindi daw lahat ng nakikita sa social media ay totoo sa reyalidad.

“Don’t believe social media all the time, angles that some of us look perfect aren’t always perfect in real life.”
View this post on Instagram
Kasama nito ang mga larawan kung saan makikita ang iba pang anggulo ng kanyang tiyan. Kinailangan pa nga daw niya ipamigay ang mga pants na hindi na magkasya sa kanya.

Sa iba pang post makikita ang exercise videos ni Yassi.
The post Yassi Pressman proud sa kanyang “food belly” sa social media! appeared first on Pilipinas Trending.