Umani ng papuri ang kasimplehan ng aktres na si Yassi Pressman habang enjoy na enjoy sa pamamalengke.
Viral na nga ngayon ang video na ibinahagi ni Yassi sa kanyang Instagram post. Na ngayon ay may halos 97 thousand views na.
Saad ni Yassi sa kanyang caption, “YEHEY!!! Nakapamalengke na ulit after so looooong! Ang saya saya!!”

Sa nasabing video, makikitang enjoy na enjoy si Yassi sa pamamalengke. Namili siya ng iba’t-ibang klase mg seafoods.


May bahagi pa ng video na siya mismo ang nagkaliskis sa isda na kanyang binili. Naghatid good vibes din sa mga tao doon ang pagsayaw at pagkanta ni Yassi.
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang natuwa sa kasimplehan na ito ng aktres. Pinuri pa nga ng ilan ang naging pakikisalamuha niya sa mga taong naroon sa palengke.

Saad pa nga ng ilan ay wala daw kaarte arte itong si Yassi. At game na game ding nakipag selfie.

Narito ang ilan sa komento ng netizens sa kanyang video:
“Yan ang babaeng walang arte sa buhay kaya idol na idol ko sya at parang anak ko sya ih kahit ubod ng ganda hnde maarte yan ang gsto ko”
“Nakakatuwa naman c idol d nya talaga na tiis na panoorin c nanay habang nagkakaliskis talagang tumulong xa at gsto nya kaliskisan lahat ng isda at xa na din daw mag benta kaso may pupunta han pa sila nag hugas ng kamay d manlng nag sabon at nag punas lng wala talaga kaarte arte c Alyana Dalisay/Yassi Pressman”
May ilan naman ang tila hindi nagustuhan ang video ni Yassi. Dahil anila ginagamit lang daw ang dalaga para sa pangangampanya.
The post Yassi Pressman nag-enjoy sa pamamalengke, mga netizens kinagiliwan ang kasimplehan ng aktres appeared first on Pilipinas Trending.