Usap-usapan ngayon online ang napakagandang pre-debut photoshoot ng young Kapamilya actress na si Francine Diaz.

Sa Instagram post ni Francine ay makikita na tila heavenly ang dating ng batang aktres. Etheral themed ang kanyang pre-debut photoshoot.

“Muted colors and soft frames. She makes everything seem ethereal. Look for her when the day breaks; it’s a dreamland wherever she is,” caption ng Nice Print sa larawan ni Francine.
View this post on Instagram
Makikita na suot ng aktres ang isang peach off shoulder gown na tila nagmukha siyang diwata. Ang kanyang suot ay gawa ni Steph Tan.

Kuha naman ang mga larawan sa Rancho Bernardo Luxury Villas & Resort sa Bataan.

Sa kanya namang IG post caption ni Francine, “Find me in my dreamland, I’ll wait..”
View this post on Instagram
Makikita na nasa ilalim ng puno ang dalaga at kitang kita sa kanyang mga ngiti ang kanyang taglay na kagandahan.
View this post on Instagram
Agad namang umani ng papuri ang mga larawan na iyon ni Francine mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Grabeeee speechless sa gandaaa!!”
“Real life princess talaga”
“Your beauty is incomparable.”
“So inlove witht this concept dreamy”

Sa darating na January 27, ipagdidiwang ni Francine ang kanyang 18th birthday.
The post Pre-debut photoshoot ni Francine Diaz kinagigiliwan ngayon sa social media appeared first on Pilipinas Trending.