Sinalubong ng aktres na si Nadine Lustre ang bagong taon ng isang bagong tattoo.
Agaw atensyon nga ngayon sa social media ang mga bagong larawan ni Nadine. Kung saan makikita ang malaking dragon tattoo sa kanyang braso.
Sa Facebook post ng fan page na JaDine Moments ay ibinahagi ang mga nasabing larawan ng aktres.
Sa Vimana shop nagpalagay ng dragon tattoo si Nadine. At nakasabay niya din dito ang batang aktres na si Andrea Brillantes.
Nakasalamuha din ni Nadine ang ilang sa kanyang mga taga hanga. Na agad nakipag selfie sa aktres.
Marami namang netizens ang agad namangha sa dragon tattoo ng aktres. Mas lalo umanong bumagay sa dalaga ang tattoo sa kanyang braso.

Bad ass chic nga ang datingan ng aktres lalo na sa mga porma nito.

Sa ngayon ang dragon tattoo niya ang pinakamalaking tattoo na mayroon si Nadine.

Maliban dito, makikita rin sa kaniyang kaliwang pulso ang rosas, na noo’y naiulat na alay ng aktres sa yuma0ng kapatid na si Isaiah. Sa kaniyang kanang pulso naman makikita ang crescent moon.
Sa bahagi rin ng kaniyang kanang braso makikita ang mga salitang “nakayapak at nahihiwagaan” na hango sa kantang “Tadhana” ng Up Dharma Down, isa sa mga paboritong kanta ni Nadine.
Halos isang dosena na din ang bilang ng mga tattoo ngayon ng aktres.
The post Nadine Lustre pinawow ang mga netizens sa kanyang fresh dragon tattoo appeared first on Pilipinas Trending.