Nagbigay kilig na namang muli ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa maraming netizens.
Ito ay dahil sa pagpa-prank call niya kay Ivana Alawi.
Matatandaan na hayagang inamin sa publiko ni Ivana, na si Joshua ang ultimate crush niya sa showbiz.
Sinabi rin noon ng dalaga na may communication sila ng aktor through direct message sa Instagram.

Pero aniya ay hindi pa sila nagkakakilala sa personal. Humanga lang talaga siya sa aktor dahil sa husay nito sa pag-arte. At pati na din sa napaka cute daw nitong mukha.

Nang si Joshua naman ang tanungin ukol sa namamagitan sa kanila ni Ivana. Sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.

At minsan nga daw ay nakakapagkwentuhan pag nagkakapalitan sila ng mensahe.

Kaya naman, maraming netizens ang kinilig sa ginawa ni Joshua ng iprank call niya si Ivana.

Agad ngang naging viral ang guest appearance ng aktor sa benefit show ng ABSCBN para sa mga nasaIanta ng ba6y0ng Odette.

Kumasa kasi si Joshua sa Truth or Dare challenge at ginawa ang mga request ng netizens.

At isa nga sa request ay iprank call si Ivana at sabihing bakit siya tinawagan ng dalaga.
Nagbigay kilig naman ang naging usapan ng dalawa. Lalo na ng itanong ni Joshua kung ‘Totropahin o Jojowain’ ba siya ni Ivana.
@lermaduave♬ original sound – Lerma d Ebalo
Ginawa ito ng binata dahil na din sa panguudyok ng mga host na sina Darla at Alora Sasam.
Hindi naman diretsahang sinagot ni Ivana ang tanong ni Joshua. Secret lamang ang sinabi nito peri ayon sa marami ay alam naman na nila kung ano ang isasagot ni Ivana.
Samantala, bago matapos ang kanilang paguusap ay sinabi ni Joshua na magpagaling si Ivana at kanyang pamilya. Dahil nagpositibo sila sa C0VlD.
Panoorin dito ang kanilang video:
The post Joshua Garcia pinakilig ang mga netizens sa prank call niya kay Ivana Alawi appeared first on Pilipinas Trending.