Tuesday, January 18, 2022

Jessy Mendiola sa mga nagtatanong kung kailan siya magbubuntis, ‘Mind Your Own Business!’

0

Maanghang ang naging mensahe ni Jessy Mendiola, sa mga netizen na nagtatanong kung kailan sila magkaka-anak ni Luis Manzano.

Kamakailan nga lamang ay nakipagsagutan si Jessy sa mga netizens na nakikialam at kumukuwestiyon sa ginagawa niyang pagwo-workout.

Pinagalitan kasi ang aktres ng mga nakapanood sa kanyang workout video. Anila paano raw siya mabubuntis kung puro pag-e-exercise ang kanyang inaatupag.

Kaya naman iniisyuhan siya ng mga Marites na paano raw siya magkakaanak kung ganun ang ginagawa niya.

“Porket may abs bawal mabuntis?,” reply niya sa isa niyang follower matapos itong mag-comment ng “Nag papà abs wala Balak mag buntis?”

Sagot naman dito ni Jessy “So kung nag-e-exercise, hindi magkaka baby? Paki explain.”

Sumagot naman ang isang netizen at sinabing baka raw may nabubuo nang baby sa kanyang sinapupunan na hindi na ma-develop dahil sa kawo-workout niya.

“Hindi mabigat yang binubuhat ko. 5lbs lang yan,” muling sagot ni Jessy.

Kasunod nito, tila nabwisit na ang netizen sa aktres, “Kahit na. kelangan kung gusto mong mabuntis simpleng mga exercise Lang Gawin mo. its an advice na naexperience ko. advice na parang magilang Lang.”

Kaya naman sa kanyang IG stories ay nagbigay din ng prangkang pahayag si Jessy.

Aniya tigilan na umano ng mga netizens ang pagbibigay ng payo sa kanya tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Aniya, “Stop asking, stop giving unsolicited advice. I know my body more than anyone else and I always follow what my O.B. says.”

Sa huli pahayag pa ng misis ni Luis, “JUST MIND YOUR OWN BUSINESS.”

The post Jessy Mendiola sa mga nagtatanong kung kailan siya magbubuntis, ‘Mind Your Own Business!’ appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment